Saturday, May 24, 2008

Wah.

Sabi nga ng boss ko kapag natatabunan na kami nang sabay-sabay ng trabaho - " magpakamatay na tayong lahat".

Wah. Natatabunan na nga kami ng trabaho - na hindi naman naglalayo sa akin sa mga iba ko pang iniisip - masamang mga iniisip. Tsk, patuloy na pagtatangkang hanapan ng sagot ang sangkatutak na mga tanong (o isa nga lang ba?) na taon ko nang dala-dala. Hanap ako nang hanap pero kapag dumadaplis na may sagot - tangina, ang sakit dahil hindi ko matanggap. O ayaw kong tanggapin - dahil hanggang ngayon, pinaninindigan ko pa rin na mayroon akong ipinaglalaban. Kahit pa ang labo-labo na. Kahit pa sabi nga ng kaibigan ko - " utak mo, pulutin mo sa sahig".

AT hindi rin puwedeng takasan ang iba ko pang mga kailangang asikasuhin para hindi naman ako tumira sa kalye isang buwan mula ngayon.

Tsk. Magpakamatay na tayo. O ako lang. Dahil natatabunan na ako ng kung ano-ano.

Posted by tengcorrea at 5/24/2008 02:31:00 PM

Comments: Post a Comment
0 comments