Wednesday, June 22, 2005
nais ko lamang ibahagi sa inyo ang aking mga natutunan sa unang araw namin ng talakayin sa Pilosopiya ng Tao sa pamumuno ng aming propesor na si G. Pasco (na hindi mo aakalain na propesor ng Pilosopiya sapagkat siya'y bata pa, at mukha pang rakista. (haha)
dahil na rin diumano sa inspirasyong hatid ng isinatelebisyong 'pamamanhikan' ni kris aquino kay james yap sa the buzz nitong huling linggo, sinimulan namin ang kurso sa pamamagitan ng pag-uusap kung ano nga ba ang ESENSYA ng TUNAY na PAG-IBIG.. (keso)
una, ito raw ay pangangailangang hindi kayang punan nang panandalian, di katulad ng kagutuman na isang kain mo lamang ay agad na mawawala;
pangalawa, alam mo sa iyong sarili na tanging siya lamang at wala nang iba ang makapupunan niyon; halimbawa, kapag 'hinahanap-hanap mo ang Cookies n Cream ice cream ng Nestle, hindi puwede ang Selecta; samakatwid, ito ay ispesipiko;
pangatlo, may mga bagay na hindi mo akalaing magagawa mo subalit para sa kanya, maski ilohikal, magagawa mo ito; halimbawa na lamang ang ginawa ng aming propesor na sumugod siya sa bagyo para bigyan ng Pancit ng Taga-Malabon na paboritong-paborito noon ng kanyang iniibig;
pang-apat, ang pag-ibig ay pagtataya, maihahalintulad sa isang sugal kung saan hindi mo alam kung panalo o talo ka sa huli;
pang-lima, kaakibat nito ang pagbabago; hango nga raw sa isang linya sa pelikula (na hindi ko alam kung ano), "you make me want to be a better man,"
ano ang kaugnayan nito sa tanong na "ano ang pilosopiya?"
hmm.. pagmamahal, pag-ibig sa karunungan at katotohanan..
ilang minuto na lamang at may klase na namin sa pilosopiya kaya paalam muna.
Posted by tengcorrea at 6/22/2005 10:10:00 AM
0 comments